Wednesday, September 06, 2006

Randomness~~

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Ganito pala yung itsura ng blog ko kapag Japanese characters yung ginamit. Hindi ko alam kung accurate, pero maganda tignan! XD (clikie =D)

Ang tagal ko ng hindi nagblo-blog! Ang dami dami na kasing school work ang ibinibigay, marami ring practices, reporting at exams! May homework din akong dapat gawin para bukas, pero parang ayoko muna gumawa. =/ Siguro dahil nakakapagod na rin kasi talaga yung routine: Gigising, papasok, uuwi, gagawa ng homework, matutulog then gigising uli. Parang patterned na patterned na yung mga gagawin ko simula pa nung highschool ako hanggang ngayon. T_T Sabi nga ng mga classmates ko, para raw kaming mga highschool student na pwedeng magmake-up, lumabas ng kahit anong oras at may mahahabang breaks. Pero yung ibang rules na nakasanayan na, lalo na kung galing sa exclusive school din, ganun pa rin. Implemented pa rin. Nakakasawa na... T_T

Nakuha ko na rin yung midterm grades ko. So far, 2.00 ang lowest, at kung iro-round off, 1.75. Pero sa tingin ko hindi nila niro-round off yun, kaya nalulungkot talaga ako kasi ang goal ko lahat ay 1.00-1.75. Isa lang naman yung 2.00, pero ganun pa rin. 2.00 pa rin... at as usual, Math yun. Tsk tsk. Isang grade na lang ang hinihintay ko, at sana hindi siya bababa sa 1.75 para mataas pa rin yung chance ko para masama sa dean's list. =D

Ganun pala yung feeling ng naghahabol sa grades. Hindi naman dahil sa bumabagsak na ako kaya ako naghahabol eh kundi para makakuha ako ng GWA na 1.75 (or better) para makalipat sa dream school ko. Ang hirap pala sobra, at kahit anong taas nung grade eh parang mababa pa rin... kaya ngayon, wala talaga akong karapatan maging tamad kung hindi, hindi ko maaabot yung goal ko... Siguro gagawin ko na yung homework ko after ko ito ipost...

Nanghiram rin ako ng Japanese book sa library kanina. =D Medyo may improvement naman kasi medyo marunong na ko magconstruct ng sentences (romanji) using arimasu, soko, koko, asoko, ga, ni at yung iba pang japanese words. Bumili rin si kuya ng libro kung paano magsulat ng japanese characters in hiragana and katakana kaya big help naman ito. =D Gusto ko talaga matuto eversince highschool, ngayon lang ako nakakuha ng chance. Gusto ko rin mag lessons talaga, pero siguro sa summer na lang... =D

At last na randomness: Kanta ko nga pala yung "Pare ko" - Sponge Cola para kay... lol! XD Nakarelate kasi ako eh, tama ba Chezka? Change all the pronouns, siguro. Hehe. XD

Hanggang dito muna itong tagalog post ko. Wala lang, feel ko lang magtagalog. XD Gagawa pa ako ng homework... kaya.. ja ne! ^__^

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home